fbpx

Kape ulit?


Isang kape pa, sana.
O kahit ano basta makita ka.
Totoo ay tila hindi naipakita,
Humihingi ng isa pang tyansa,
 
Baka dahil sa kaba,
Baka dahil sa iyong ganda,
Baka hindi sigurado, pero bakit hinahanap ka?
Sana ito’y mabasa
 
Sa umpisa alam kong malabo ang pag-asa
Pero alam ko pati ikaw sinubukang muling umasa
Baka kapag pinagbigyan, mabago pa.
Mabago pa ang madilim na memorya
 
Masakit marinig ang totoo,
Hindi kita gusto, salamat sa oras mo,
Bakit kasi hindi maghulog-hulog sa taong lumalapit sa’yo
Sana maibalik ang panahon, humihiling ng isa pang pagkakataon. 
Artist of 1995
Latest posts by Artist of 1995 (see all)